Nagtaasan ang lahat...kakainis! Kita mo ang sitwasyon? Lumulubog na yata ang Pilipinas hindi sa lahar kundi sa konsumisyon na inaaabot ng mga mamamayan. Lahat ay umaangal na sa pagtaas ng presyo ng bigas. Bakit nga kasi naging biglaan ang lahat. Mantakin na abutin ng trenta hanggang kuwarenta pesos ang isang kilo. Meron ngang rasyon ang NFA..pero mukha namang tinitipid ang lahat. Balita ko nga marami pang ibang bigas na tinatago...hoarding. Saka lang ilalabas para sa mas mataas na presyo. Masaklap ang inaabot ni Juan de la Cruz sa kamay ng kapwa nya. Naghihirap na ay hinihila pa lalo pababa. Kasi! Ewan ko ba. Ugaling Pinoy ata. Minsan nakakahiya na tawaging Pinoy. Kasi kahit alam mo na hindi ka involve sa mga kasakimang ginagawa ng kalahi mo..alam mo pa rin na kakabit mo ang pagiging isa sa kanila. Sana pwedeng maging iba sa lahat..if possible maglaho na lang sa earth para mapagtakpan mo kung anong dugo ang nasa yo. Wish ko lang...
Balita rin na tataas na rin ang mga tinapay. Wag naman sana...okay lang na lumiit ang size kasi baka mabigla ang lahat. Nakinig ako ng usapan kahapon ng mga matatanda. Nagkaumpukan kasi..laman ng usapan ang paghihirap. Ayon sa kanila ay pag- aaralan na lang raw nila na kumain ng tinapay, hindi na sila magbibigas! Nakakatawa di ba? Kaawaawa naman na kung kelan nagka- edad eh saka maghihirap. Makakaya ba ng bituka nila na kukunti ang laman? Aba! Kung anu -ano na ang naiisipang pagtitipid ng lahat! Sana may malaking speaker na nagkalat sa bawat parte ng Pilipinas... baka kasi sakaling marinig ng mga dapat makaalam ng pag -atungal ng mga Pilipino. Baka naman nanigas na parang adobe na ang mag tutuli nila? Dapat siguro ay hukayin na ang mga tenga para naman makarinig. Ah, di nga pala sapat na nakabukas ang tenga..dapat silang makaramdam. Eh, pano namang makakaramdam? Umuuwi sila sa kani - knilang tahanan at nahihiga sa malalambot na kama..at dahan - dahang nakakalimot sa sitwasyon ng iba.
Puro na lang kasi pasarap, bangayan at palakasan ngayon sa gobyerno. Maanong magpasa naman ng batas na tutulong sa mga nakadapang Pinoy. Di ba nila nakikita ang kahit na gatiting na pag- asa na natitira?
Kagabi lang nga nanggagalaiti na kami sa usapan ng kapatid ko, ang ibang mga palay eh nangangabulok na sa mga probinsya. Hindi binibigyan ng enough interest ng government. Bakit di nila subukang magbigay ng higit na fund para sa rice growing? Bakit ba mas inuuna nila ang mag-import from other countries? Totoo ba na mas makakamura by this way or mas malaki ang komisyon na nakukuha nila? Hindi ko na nga alam kung ano ang iisipin ko as a concerned citizen. Di nyo naman ako masisisi dahil unang una, alam ng lahat ang issue about Broadband Deal. Sino ba ang mas nakinabang dito?
Bakit kasi sa halip na mag - focus sa paghihirap ng kapwa eh mas inuuna ang pagkapal ng bulsa?
Bakit sa halip na bigyang pansin ang kumakalam na sikmura ng nakararami ay mas inuuna ang pagbibigay pansin sa kapangyarihan at pagbibigay ng higit na pondo sa mga sundalo? Marahil eh naghahanap ng kakampi ang gobyerno sa ngalan ng mga sundalo o militar. Sabagay, sino nga ba ang mas dapat kapitan kundi ang may mga armas. Pero sana, hindi maliit na porsyento lang ng mamamayan ang makinabang sa kaban ng bayan samantalang ang iba ay unti - unti nang nangangayayat sa paghihintay ng maisusubo....
Hoy! Kilos! Tama na ang payabangan!Tama na pangangamkam!Tama na makasariling layunin!
Isipin ang iba...iahon ang taong bayan sa kagipitan...MARAMI NA ANG NAGUGUTOM NA PINOY!!Maawa naman kayo sa naghihirap na si Juan!
Monday, April 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment